OLONGAPO CITY , Philippines — Sinimulan nang ipinamahagi ng Olongapo City government ang distribusyon ng 1,500 laptops para sa mga public school teachers na makakatulong sa pagsasagawa ng online class sa kanilang mga mag-aaral.
Ayon kay Mayor Rolen Paulino Jr. nagmula ang pondo para sa naturang programa sa special education fund ng lokal na pamahalaan.
Sa inisyal na distribusyon na isinagawa kahapon ay nasa 850 laptop na ang naipamigay sa unang mga guro habang ang natitirang 650 na laptops ay nakatakdang ipamahagi sa susunod na buwan.
Katuwang ni Mayor Paulino sa pamamahagi ng mga laptop si Olongapo City Schools Division Superintendent Leilani Cunanan.