Kelot na nakaupo lang sa gilid ng kalsada, niratrat, patay

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin habang nakaupo sa gilid ng kalsada sa Morong,  Rizal, kamakalawa ng hapon.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang nakilalang si Roberto Mendoza, nasa hustong gulang, at residente ng naturang lugar, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa kilalang salarin na inilarawan lamang na nakasuot ng itim na helmet, itim na jacket, maong pants at lulan ng isang kulay asul na Honda Click motorcycle.

Batay sa ulat ng Morong Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-5:10 ng hapon nang maganap ang krimen sa gilid ng kalsada sa Brgy. San Jose, sa Morong,

Nakaupo lamang umano ang biktima nang biglang dumating ang suspek at kaagad siyang pinagbabaril na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Nang matiyak na napuruhan ang target ay mabilis na ring tumakas ang suspek patungo sa direksiyon ng Sitio Taghangin, Brgy. Maybancal, Morong.

Show comments