^

Probinsiya

3 residente iniulat na nabaril ng PNP, private guards sa Cavite demolition

James Relativo - Philstar.com
3 residente iniulat na nabaril ng PNP, private guards sa Cavite demolition
Litrato ng ilang sugatan habang ikinakasa ang isang demolisyon sa Brgy. Patungan, Maragondon, Cavite, ika-13 ng Enero, 2021
Litrato mula sa Facebook page ng ONE Cavite

MANILA, Philippines (Update 2: Jan. 14, 2022, 10:46 a.m.) — Ilang residente ang diumano'y tinamaan ng baril matapos mapapatukan diumano ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng ikinakasang demolisyon sa isang bayan. 

Ayon kay Charm Maranan, tagapagsalita ng Defend Southern Tagalog, tatlo katao mula sa Brgy. Patungan, Maragondon, Cavite ang lubhang sugatan at tinamaan sa bandang tiyan nang mangyari ang insidente.

"Ang isang sugatan ay dinala sa bangka ng mga armado at bumalik para dalhin sa kanilang detachment ang biktima habang ang ibang lokal ay binubugbog ng higit 300 demolition team at pinosasan pati sugatan," ani Maranan sa isang pahayag, Huwebes.

"Ito ay kasalukuyang nangyayaring karahasan laban sa mamamayan sa gitna ng pagsirit ng Omicron variant COVID-19. Labing dalawang beses nagpaputok ang mga armado sa mamamayan."

Aniya, sari-saring mangingisda at magsasaka kasi ang mawawalan ng tahanan kaugnay ng demolisyong isinasagawa ng "libu-libong armado mula sa PNP, SWAT, demolition team, kasabwat ang Philippine Coast Guard. Pati ang midya, hinaharangan diumano.

Sa video na ito na ipinaskil ng Bagong Alyansang Makabayan - Cavite, makikitang nagkakagulo ang mga residente matapos daw "harangan" ang bangkang maghahatid sana sa nabaril papuntang ospital.

"Hindi makalapit ang ibang residente sa mga sugatan dahil hinaharang ng SWAT ang daan," ayon sa BAYAN-Cavite kanina.

"Nananawagan ang BAYAN-Cavite sa Commission on Human Rights of the Philippines at mga concerned na mga organisasyon at indibidwal para sa kagyat ng pagtulong sa mga sugatan at residente."

Dagdag pa nila, hindi lang nagmula sa PNP ang pamamaril ngunit pati na raw sa mga pribadong security guard, na pinangalanang nagmula sa Seraph Security Agency.

Sa video na ito na ini-live stream kanina, makikita ang dami ng mga pulis at security na kinaharap ng mga residente. Nangyayari ang lahat ng ito kahit na nasa mas striktong Alert Level 3 ang probinsya ng Cavite.

 

 

Pulisiya bumwelta sa paratang

Pinabulaanan naman ni Pmaj Mary Ann Crester Torres, regional spokesperson ng Police Regional Office-4A, ang paratang ng mga residente't militante at iginiit na hanay pa nga raw nila ang sugatan sa nangyari.

"Wala pong katotohanan ['yung tatlong] residente Sugatan," tugon ni Torres sa panayam ng Philstar.com kanina.

"Kanina po [tatlo] from demolition team ang Sugatan at recently po e 20 [na] Pulis natin ang Sugatan dahil sa pambabato ng mga residente."

Giit ng PRO4A RPIO, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin daw makalapit ang kapulisan sa naturang area. Hindi pa naman tumutugon sa panayam ang Maragondon Municipal Police Station sa ngayon.

Ayon naman sa Cavite Police Provincial Office, nagbigay ng security assistance ang Cavite PNP matapos itong i-request nina Sheriff Wilmar De Villa at Rommel Sisayan ng Fourth Judicial Regional Trial Court, Branch 15, Naic, Cavite.

"Patungan is a place of native fisherfolks residing for so many years where they are threatened by the eviction of Writ of Demolition ordered by the Naic, Regional Trial Court. The previous demolition failed due the strong resistance of the residents to vacate their land," ayon sa Cavite PPO.

"At the moment, the communities in Patungan are trying to stop the demolition which resulted in a violence attack against the demolition team. They provided barricades to prevent the Demolition Team to proceed to the area."

Humihiling pa rin ang Cavite PNP ng additional augmentation mula sa Regional Public Safety Management Battlion para magbigay ng tulong habang umiigting ang tensyon sa pagitan ng demolition team at mga resiente ng Patungan.

Giit din nila, sumusunod ang Cavite PNP sa  Police Operation Procedure, at kinokontrol lamang ang civil disturbance para maiwasan ang mga injury. "[N]ecessary reasonable force will require if there are eminent danger observed on both parties," dagdag pa nila.

Pagkundena ng mga grupo

Binanatan naman ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Pamalakaya at Bayan Muna party-list ang nangyaring karahasan, na nag-ugat daw sa pagbenta ng Maria-Teresa Virata Realty Corp. sa Manila Southcoast Development Corp. (MSDC) sa naturang fishing community.

Ngunit itinanggi ng MSDC na sila ang may-ari ng nasabing lugar. Hindi rin aniya sila nagpakita ng interes na bilhin ang naturang lupa. Malayo din umano ang lugar ng kanilang operasyon kung saan naganap ang karahasan.

Ayon din sa Pamalakaya, isang grupo ng mga mangingisda, plano ng mga bagong developers na i-convert ang Patungan para maging "exclusive beach resort" malapit sa Hamilo Coast sa Nasugbu, Batangas.

"We are calling for direct and immediate intervention of Cavite Governor Jonvic Remulla to stop the violent demolition being carried out by a developing firm against his fisherfolk constituents," ani Ferdinand Hicap, national chair ng Pamalakaya.

CAVITE

DEMOLITION

MARAGONDON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with