^

Probinsiya

Bus pinasabog: Pasahero dedo, 6 pa sugatan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Bus pinasabog: Pasahero dedo, 6 pa sugatan
This Jan.11, 2022 photo shows the Mindanao Star Bus unit after the blast.
The STAR / John Unson

MANILA, Philippines — Isa ang patay habang anim pang pasahero kabilang ang isang sanggol at tatlong menor-de-edad ang sugatan nang sumabog ang isang bomba na iniwan ng hindi pa nakikilang suspek  sa loob ng pampasaherong bus  kahapon ng  umaga sa Aleosan, Cotabato.

Sa ulat, namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang pasahero na nakilalang si Benjamin Solaiman, 24-anyos.

Ginagamot naman  sa iba’t ibang ospital sa Midsayap ang mga sugatang sina Masid Piang, 25; Rodolfo Castillo, 67;  isang 17-anyos na binatilyo, mga batang nagkaka-edad ng 5 at 3, at isang 5-buwan gulang na sanggol.

Ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar, spokesman 6th Infantry Division, dakong alas-8:15 ng umaga nang maganap ang  pagsa­bog sa Mindanao Star bus sa National Highwaý ng Purok Narra sa Brgy San Mateo, Aleosan, North Cotabato.

Sakay ng  bus na may body number 15511 mula Davao ang nasa 20 mga pasahero patungong Cotabato City nang pagsapit sa nasabing lugar ay sumambulat ang bomba sa likurang bahagi ng bus.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at anong uri ng bomba ang sumabog.

Sa kasalukuyan, wala pang grupo o indibiduwal na umaako sa naganap na pagsabog.

BALDOMAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with