Travel restrictions ikinasa sa Baguio City: Turista na galing sa ‘Alert Level 3’ hinigpitan!

Ang nasabing panun­tunan, alinsunod sa ba­gong direktiba ni Baguio City Mayor Benja­min Magalong ay ipa­tutupad mula ngayong Enero 6 hanggang Enero 18, at kober nito ang lahat ng bisita mula sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila na isina­ilalim sa Alert Level 3 nitong Enero 3 hanggang Enero 15, na sinundan pa ng mga kalapit na la­la­wigan ng Bulacan, Ca­vite at Rizal sa kaparehong alert level status mula Enero 5-15.
DOT, Release

MANILA, Philippines — Muling nagpatupad ang Baguio City government ng “COVID-19 test requirement” para sa mga bumibisita sa lungsod na nagmula sa mga lugar na nasa Alert Level 3 dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ang nasabing panun­tunan, alinsunod sa ba­gong direktiba ni Baguio City Mayor Benja­min Magalong ay ipa­tutupad mula ngayong Enero 6 hanggang Enero 18, at kober nito ang lahat ng bisita mula sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila na isina­ilalim sa Alert Level 3 nitong Enero 3 hanggang Enero 15, na sinundan pa ng mga kalapit na la­la­wigan ng Bulacan, Ca­vite at Rizal sa kaparehong alert level status mula Enero 5-15.

Sa executive order na inilabas ni Magalong nitong Martes, kailangang magpakita ang turista ng negatibong resulta ng kanyang RT-PCR test na isinagawa sa loob ng 72 oras bago ang pagpasok nito sa Baguio, o kaya ay “antigen test” na isinagawa naman sa loob ng 24 oras.

Ang turista ay maaari ring sumailalim sa antigen testing pagdating nito sa Baguio na isasagawa ng awtorisadong triage units sa ilalim ng superbisyon ng City Health Office.

Ang mga kasama ng mga biyaherong papasok sa lungsod na nagkaka-edad ng 12-17 ay kailangan ding magpakita ng negatibong RT-PCR o antigen test results o kaya ay magpasailalim sa testing procedure sa triage ng lokal na pamahalaan kahit pa bakunado o ano pa ang vaccination status nito.

Pinaigting din ng Baguio City Police ang kanilang border checkpoints sa kanilang mga border para ipatupad ang health protocols upang matiyak na hindi sila ma­lulusutan.

Kahapon ay dagsa ang mga turista sa COVID-19 triage sa Baguio Convention Center upang sumailalim sa mandatory triage bilang pagsunod sa travel res­trictions ng lungsod.

Sa ilalim ng EO 01-2022, nililimitahan lamang ang “leisure at non-essential travels” sa Baguio sa pamamagitan ng visita-baguio.gov.ph ng hanggang 4,000 indibiduwal taliwas sa ulat na nagpatupad na ng lockdown ang Baguio City government.

Ang Baguio City ay nananatiling nasa Alert Level 2, subalit nagpa­tupad na roon ng curfew mula alas-12 ng hatingggabi hanggang alas-4 ng mada­ling-araw upang mapigil ang paggalaw ng mga residente.

Show comments