^

Probinsiya

Bading, pinatay ng 2 adik na ka-jamming!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Bading, pinatay ng 2 adik na ka-jamming!
Kinilala ng Bacoor City Police ang biktima na si Danilo Garcia alyas “Danica”, nasa hustong gulang, isang gay o ba­ding at walang permanenteng tirahan.
STAR/ File

CAVITE - Karumal-dumal ang sinapit ng isang miyembro ng LGBT community matapos na patayin at itapon ang bangkay nito sa gitna ng bukirin ng dalawang hinihinalang adik na ka-jamming umano nito sa droga kamakalawa ng hapon sa Brgy. Salinas 3, Bacoor City.

Kinilala ng Bacoor City Police ang biktima na si Danilo Garcia alyas “Danica”, nasa hustong gulang, isang gay o ba­ding at walang permanenteng tirahan.

Naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ang dalawang suspek na nakilalang sina Danilo Caparino at Geronimo Abrigo; kapwa nasa hustong gulang at residente ng Salinas 1, Bacoor City, makaraang makita ng ilang witness ang ginawang pagtatapon sa katawan ng biktima sa ma­damo at bakanteng lote sa nasabing lugar.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Police Office director P/Col. Arnold Abad,  alas-3 ng hapon nang maganap ang krimen.  

Magkakasama umano ang biktima at dalawang suspek sa isang kubo kung saan pansamantalang nakatira ang una sa may Virgo Bukid Dulo, Brgy. Salinas 3.

Nabatid sa saksi na isang barangay Ex-O na nakita umano niya na bitbit ng dalawang suspek ang lupaypay na biktima at dinala sa may madamong bahagi sa kalagitnaan ng bukid at doon iniwan.

Agad itong itinawag ng barangay sa pulisya at natagpuan ang katawan ng biktima na patay na at may dalawang tama ng bala sa katawan.  

Sa ginawang pagsisiyasat sa nasabing kubo, nakarekober dito ang mga pulis ng ilang piraso ng transparent plastic sachet na may mga laman pang konting shabu, mga foil strip na pinaggamitan ng droga at ilang drug paraphernalia.

Narekober din ng pulisya ang isang fire cartridge case ng cal. 45 sa nasabing lugar.

Sa pagbeberipika pa  ng pulisya sa barangay,  napag-alaman na ang biktima ay maraming beses nang nasangkot sa mga petty crimes at malicious acts.

Madalas din uma­nong nakikita ang biktima na tila nakabatak o nasa ila­lim ng impluwensya ng ilegal droga.

LGBT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with