^

Probinsiya

Evacuees ng bagyong Odette negatibo sa COVID-19 -NDRRMC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Evacuees ng bagyong Odette negatibo sa COVID-19 -NDRRMC
In this photo taken early Dec. 16, 2021, residents sleep inside a sports complex turned into an evacuation center in Dapa town, Siargao island, Surigao del Norte province in southern island of Mindanao, ahead of Typhoon Rai's landfall in the province.
AFP / Roel Catoto

MANILA, Philippines — Bagama’t sama-sama sa mga evacuation cen­ters matapos magsilikas dahil sa pananalasa ng bagyong Odette, nega­tibo sa COVID-19 ang daan-daang evacuees sa Visayas at Mindanao.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),  wala silang naitalang coronavirus disease (COVID-19) infections sa mga evacuees.

Sinabi ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal, wala silang  natanggap na anumang ulat hinggil sa posibleng hawaan ng  virus.

Gayunman, patuloy ­aniya ang kanilang paalala sa mga local government units (LGUs) na tiyakin na nasusunod ang minimum public health standards sa mga evacuation centers.

Sakali umanong magkaroon ng kaso ng  CO­VID-19  o makaramdan ng  sintomas ng  virus  sa evacuation centers, agad itong  ipagbigay-alam sa mga kinauukulan.

Mahigit isang li­bong evacuation centers ang nananatiling bukas matapos manalasa ng bagyong Odette sa VisMin.

BAGYONG ODETTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with