^

Probinsiya

Ayuda ng Benguet farmers at Cordillera cops

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Ayuda ng Benguet farmers at Cordillera cops

4 toneladang gulay ipinadala sa Odette victims

BAGUIO CITY, Philippines — Nagpakita ng kabayanihan at pagiging matulungin sa kapwa sa oras ng kagipitan ang mga maliliit na magsasaka at negosyante sa Benguet katuwang ang mga pulis sa Cordillera matapos silang mag-donate ng apat na toneladang gulay para sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay League of Association at the La Trinidad Vegetable Trading Area Spokesperson Agot Balanoy, ang mga donasyong gulay ay idineliber nila kahapon, Disyembre 21, sa Cebu City.

Nabatid na nag-donate ang mga highland farmers, traders at stakeholders ng 2-toneladang gulay habang karagda­gang 2-toneladang gulay pa ang naiambag ng La Trinidad Municipal Police Station (LTMPS) at Police Regional Office-Cordillera (PROCor) mula sa natanggap nilang iba’t ibang vegetable donations.

Sinabi ni Baloy na ang apat na toneladang gulay ay nagkakaha­laga­ ng P80,000 at na­ngo­ngolekta pa sila ng ikalawang batch ng do­nas­yon para sa mga biktima ni Odette.

Sinabi ni Baloy na isinagawa ang kanilang panawagan para sa do­nasyon kasunod ng ma­tinding pinsala at de­lubyo na inabot ng mga residente dulot ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

ODETTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with