MANILA, Philippines — Gamit ang mga katutubong kasuotan, hinarangan ng mga katutubong Bugkalot ang gate ng Casecnan Multipurpose Irrigation and Power Project sa Barangay Pelaway, Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya para hilingin na ibalik na ang dating daloy ng kanilang mga ilog na ginamit ng California Energy (CE) sa kanilang higanteng proyekto matapos mapaso ang kanilang commercial operations on December 11, 2021.
Ang $580-million CE Casecnan project ang major source ng irrigation ng mahigit sa 300,000 hectares na mga palayan sa Central Luzon at ilang bahagi ng Pangasinan at nagbibigay rin ng 100 megawatts na power sa Luzon grid sa pamamagitan ng 27-km diversion tunnel mula sa Casecnan at Taal Rivers na nasa ancestral na lupain ng mga katutubo.
Nabigo rin ang kumpanya na magbigay sa mga Bugkalot ng nakapagkasunduan na share mula sa kanilang kinita sa loob ng 25-taon na kanilang operasyon.