^

Probinsiya

Katutubong Bugkalot nag-alsa sa Nueva Vizcaya

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Katutubong Bugkalot nag-alsa sa Nueva Vizcaya
Ang mga katutubong Bugkalot sa Nueva Vizcaya na nanawagang ibalik ang daloy ng tubig sa kanilang mga ilog.
Victor Martin

MANILA, Philippines — Gamit ang mga ka­tutubong kasuotan, hi­­narangan ng mga katutubong Bugkalot ang gate ng Casecnan Mul­tipurpose Irrigation and Power Project sa Barangay Pelaway, Alfonso Castañeda, Nueva Viz­caya para hilingin na ibalik na ang dating­ daloy ng kanilang mga ilog na ginamit ng California Energy (CE) sa kanilang higanteng pro­yekto matapos mapaso ang kanilang commercial operations on December 11, 2021.

Ang  $580-million CE Casecnan project ang major source ng irrigation  ng mahigit sa  300,000 hectares na mga palayan sa Central Luzon at ilang bahagi ng Pangasinan at nagbibigay rin ng 100 megawatts na power sa Luzon grid sa pamamagitan ng 27-km diversion tunnel mula sa Casecnan at Taal Rivers na nasa ancestral na lupain ng mga katutubo.

Nabigo rin ang kumpanya na magbigay sa mga Bugkalot ng nakapagkasunduan na  share mula sa kanilang kinita sa loob ng 25-taon na kanilang operasyon.

POWER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with