^

Probinsiya

‘I-LAB’ para sa mga plantito at plantita, binuksan sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

GUIGUINTO, Bulacan, Philippines — Pinasinayaan ang Innovative Tissue Culture Laboratory o I-LAB para sa mga maghahalaman o tinaguriang “plantito at plantita” na kauna-unahan sa Pilipinas at matatagpuan sa bayan ng Guiguinto sa Bulacan.

May inisyal na halagang P13 milyon ang proyektong ito kung saan nasa P9.7 milyon ang ginugol ng pamahalaang bayan para sa istraktura habang nasa P2.7 milyon mula sa Department of Science and Technology (DOST) ang ginugol para sa mga kasangkapan ng laboratoryo.

Pinangunahan ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña ang pagbubukas sa gusali ng I-LAB sa Guiguinto na idinisenyong kasing hugis ng isang binhi na sumisimbulo sa industriya ng paghahalaman o horticulture sa nasabing bayan.

Ayon sa kalihim, ito ang kauna-unahang Tissue Culture Laboratory sa bansa na naisakatuparan sa ilalim ng isang joint venture agreement sa pagitan ng isang pamahalaang lokal at DOST. Makakatulong din aniya ito sa pagbuhay ng industriya ng turismo dahil lalong makikilala ang halamanan ng Guiguinto.

Ipinahayag naman ni Mayor Ambrosio Cruz na target ng pamahalaang bayan na maging ganap na “Garden Capital” ng Pilipinas ang Guiguinto pagsapit ng taong 2025.

Sa kasalukuyan, nasa 86 ang rehistradong maghahalaman sa nasabing bayan at iba pa ang nasa 200 maliliit na maghahalaman. Sila ang bumubuo sa nasa halos P1-bilyong halaga ng industriya ng paghahalaman. Ito rin ang bumuhay sa Guiguinto nang magsimula ang pandemya ng COVID-19 noong 2020 kung saan dumami ang mga tinaguriang plantito at plantita.

PLANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with