12 BIFF combatants sumurender

Iprinisinta sa headquarters ng 1st Mechanized Infantry Brigade sa Brgy. Camasi, Ampatuan, Maguindanao nitong Disyembre 17 ang 12 BIFF combatants na sumuko sa mga local leaders ng Datu Salibo at tropa ng Joint Task Force (JTF) Central.
Courtesy: Public Affairs Office-61D-PA

MANILA, Philippines — Dumanas ng dagok ang grupo ng mga pi­naghihinalaang tero­ristang Bangsamoro Islamic Freedom Figh­ters (BIFF) matapos na sumuko sa mga lider ng lokal na pamahalaan at ng tropa ng militar ang 12 nitong combatants sa Datu Salibo, Maguin­danao kahapon ng umaga.

Sinabi ni Major Gen. Juvymax Uy, com­mander ng Joint Task Force (JTF) Central at 6th Infantry Division ng Philippine Army, dahil sa malawakang pagsuko ng BIFF sa gobyerno ay nababa­naag na ang pagbagsak ng te­roristang grupo.

Bandang alas-7:30 ng umaga nang sumuko ang 12 BIFF combatants sa mga opis­yal ng lokal na pamahalaan at ng JTF Central sa Datu Salibo, Ma­guindanao.

Ang pagsuko ng 12 BIFF terrorists ay naisakatuparan sa tulong ng komunidad, lokal na pamahalaan ng Datu Salibo, tropa ng 1st Mechanized Bat­­talion, 6th Infantry­ Battalion ng PA, police forces mula sa Maguindanao Provin­cial Police Office at Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM).

“The 12 former BIFF combatants belong to Bungos-Faction who likewise turned over 10 high-powered firearms,” pahayag ni Col. Pedro Balisi, commander ng 1st Mechanized Brigade ng Phil. Army.

Kabilang sa isinukong mga armas ay isang cal .50 machinegun, isang 5.56 M16 Ultimax rifle, apat na 7.62 MM M14 rifles, isang Mauser Sniper rifle at tatlong 7.62mm Sniper rifle.

Show comments