Mister, binistay ng bala sa sariling bahay

GENERAL NAKAR­, Quezon, Philippines — Na­matay noon din ang isang mister makaraang pag­babarilin ng tatlong hindi nakikilalang lalaki na pumasok sa kanyang bahay sa Sitio Rosal, Barangay Batangan, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa dibdib ay nakilalang si Solomon Martine, may sapat na taong gulang.

Base sa ulat, bandang alas-5:30 ng ha­pon ay nakaupo sa loob ng kanyang bahay ang biktima nang puwersahang pumasok sa bahay at agad pinaulanan ng bala ang na­biglang biktima.

Nang masigurong patay na ang biktima ay tumakas ang mga suspek. Inaalam pa ng pulisya ang pagkaka­kilanlan ng mga salarin at ang motibo ng mga ito sa pamamaslang sa biktima.

Show comments