2 negosyante pinagbabaril sa NLEX: 1 patay, 1 sugatan
MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines — Dalawang negosyante ang pinagbabaril habang sakay ng kanilang kotse ng hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng Penquin St., North Luzon Expressway, Brgy. Pandayan ng bayan ito.
Sa ulat ni P/Col. Manuel Lukban, Bulacan police provincial director, na nasawi si Ronald Regala, 68, residente ng barangay habang sugatan si Clarice Ann Regala, 29, na residente din ng barangay.
Sa ulat, sakay ang dalawang biktima at isang Luz Regala, 58, na isa ring negosyante ng Toyota Fortuner habang bumabagtas sa nasabing service road ay hinarang sila ng isa sa mga suspek na nakamotorsiklo.
Isa sa mga suspect ang bumunot ng baril at pinagbabaril ang mga biktima sa loob ng kanilang sasakyan.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina Ronald at Clarice na dinala sa Meycauayan Doctor’s Hospital na kung saan ay idineklarang dead on arrival ang una. Masuwerteng hindi tinamaan si Luz Regala. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.
- Latest