MANILA, Philippines — Bawal pang kainin ang shellfish products tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa mga bahagi ng 9 na lalawigan dahil sa mataas pa rin ang lason ng red tide.
Sa ipinalabas na report ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang shellfish products mula sa coastal waters ng Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal); coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Carigara Bay sa Leyte; coastal waters sa Guiuan, at Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur; coastal waters ng Baroy sa Lanao del Norte; Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur at baybayin ng Milagros Masbate ay positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide kaya’t bawal kainin ang naturang shellfish meat sa naturang mga lugar.
Ang alamang mula rin sa naturang mga lugar ay bawal kainin dahil sa lason ng red tide. Pero ang makukuhang iba pang sea products sa lugar tulad ng isda, pusit, hipon at alimango ay maaaring kainin bastat lilinising mabuti bago lutuin at kainin.