^

Probinsiya

Red tide sa 9 na lalawigan: Shellfish bawal kainin – BFAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bawal pang kainin­ ang shellfish products­ tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa mga bahagi ng 9 na lalawigan dahil sa mataas pa rin ang lason ng red tide.

Sa ipinalabas na report ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang shellfish products mula sa coastal waters ng  Bataan (Mariveles­, Limay, Orion, Pilar, Ba­langa, Hermosa, Orani, Abucay at Samal); coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa  Bohol; Carigara Bay sa Leyte; coastal waters sa Guiuan, at Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur; coastal waters ng  Baroy sa Lanao del Norte; Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur at baybayin ng Milagros Masbate  ay positibo  sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide kaya’t bawal ka­inin ang naturang shellfish meat sa naturang mga lugar.

Ang alamang mula rin sa naturang mga lugar ay bawal kainin dahil sa lason ng red tide. Pero ang makukuhang iba pang sea products sa lugar tulad ng isda, pusit, hipon at alima­ngo ay maaaring kainin bastat lilinising mabuti bago lutuin at kainin.

BFAR

SHELLFISH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with