^

Probinsiya

Pagsabog sa Bulkang Pinatubo naitala

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagsabog sa Bulkang Pinatubo naitala
Photo shows the crater lake at the Mount Pinatubo caldera in the Philippines.
Wikimedia Commons / Lance Vanlewen

MANILA, Philippines — Ipinagbabawal na ang pagpasok ng mga tao sa crater lake ng Bulkang Pinatubo sa Central Luzon matapos na magtala ng pagsabog sa bulkan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.

Ayon sa Phivolcs, na­itala ng Pinatubo Vol­­cano Network ang pagsabog nitong Martes ng hapon. Nairekord ang seismic at low-frequency sound signals ng mahinang pagsabog sa bulkan sa pagitan ng alas-12:09 at 12:13 ng hapon.

Gayunman, sinabi ni Phivolcs director Renato Solidum na sa kabila na may phreatic explosion na naganap sa bulkan nitong nagdaang araw, wala naman silang nababana­agan na posibleng ma­lakihang pagsabog ng bulkan.

Ayon kay Solidum na wala rin silang naki­kitang palatandaan ng may magaganap na ma­lawakang pagsabog sa bulkan gaya ng nangyari noong 1991 at 1992.

“Nung 1991 at 1992 may umakyat talagang magma na umabot sa ibabaw at nung 1991, isinabog ng masyadong malakas. Dito sa nangyayari, wala pang umaakyat na magma tayong naitatala sa kadahilanang ang mga lindol ay masyadong malalim pa ng mga 10 kilo­meters or below,” sabi ni Solidum.

Aniya, ang kasalu­ku­yang aktibidad ng bulkan ay dulot ng shallow hydrothermal processes beneath the edifice kaya’t may mababang seismic activity sa bulkan.

Sa nagdaang mga araw ang Bulkang Pina­tubo ay nagpakita ng volcanic CO2 flux sa may crate lake nito.

PHIVOLCS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with