^

Probinsiya

Postcards ng mga Pinoy na nagbigay ng karangalan sa bansa, inilunsad

Pilipino Star Ngayon
Postcards ng mga Pinoy na nagbigay ng karangalan sa bansa, inilunsad

MANILA, Philippines — Lalong pinaigting ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang pagkilala sa mga natatanging Pilipino na nagbigay ng karangalan sa bansa sa pamamagitan ng inilabas nitong mga bagong limbag na “New Generation of Philippine Postcards” na inilunsad ng Post Office sa Cebu City kamakailan.

Kasabay ng paglu­lunsad ng kauna-unahang “1st Visayan Art Fair” sa Cebu, ang mga imahe o larawan ng mga tinaguriang Living Le­gends na ginawaran ng “bagong mga Postcards” ay sina:  Internationally recognized Filipino  bow­ling world champion Paeng Nepomuceno, grandmaster Eugene Torre, theater actress at singer Lea Salonga, innovator at technology entrepreneur Diosdado Banatao, fashion designer at entrepreneur Josie Natori, National Basketball Association player Jordan Clarkson, billiard legend Efren “Bata” Reyes, iconic Filipino fast-food chain mascot Jollibee, at Cebuanong sina Kenneth Cobonpue, furniture designer, at Monique Lhuillier, isang fashion de­signer;  ang kauna-unahang Olympic gold medalist, weightlifter Hidilyn Diaz; mga Pilipinang nagwagi sa Miss Universe pageant tulad nina Gloria Diaz, Margie Moran, Pia Wurtzbach, at Catriona Gray at ang pagdiriwang ng ika-500 Quincentennial commemorations ng pagda­ting ni Sto. Nino sa bansa; ika-500 selebrasyon ng Labanan sa Mactan; at ang  Murillo-Velarde map, tinaguriang “Ina ng mga Mapa sa Pilipinas”.

Ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio “Stamps are windows through which we see the world. Postcards are the doors to which we explore it. Postcards are used to travel to distant lands, promote creativity and arts, express our fee­lings and emotions, while we keep in touch with our loved ones”.

Tampok sa bagong Postcards ang kalidad ng limbag na carboard o papel na 135 grams per square meter, makintab at matt finished, mas pina­laking sukat na 250mm (lapad) x 150mm (taas) at sukat parihaba, maliban sa Living Le­gends series na parisukat.

Ang naturang mga special postcards at sel­yo ay mabibili sa Cebu City Central Post Office (malapit sa Plaza Independencia) at Manila Central Post Office shop sa Liwasang Bonifacio.

PHILIPPINE POSTAL CORPORATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with