Tatay pinatay ang sariling anak
PAMPANGA, Philippines — Binaril at napatay ng isang 63-anyos ang kanyang sariling anak sa harap ng isang tindahan sa Barangay Sto. Niño, San Fernando City ng nasabing lalawigan, kamakalawa.
Kinilala ni Lt. Col. John Clark, chief of police ng San Fernando City, ang biktimang si Elmer Bautista Sembrano, 45, residente ng nasabing barangay. Habang agad namang naaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si Almario Bautista Sembrano.
Sa ulat, na nag-iinuman ang suspek at dalawang kasama sa harap ng isang tindahan nang dumating ang biktima at sumali sa inuman.
Subalit, sa kalagitnaan ng inuman ay binunot ng suspek ang dalang baril at walang kadahilanan na binaril nito ang anak.
Agad na dinala ang biktima sa VL Makabali Hospital, subalit idineklara itong dead on arrival.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo ng suspek para patayin ang sariling anak.
- Latest