MANILA, Philippines — Napatunayang walang katumbas ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak matapos na ibuwis ang buhay para lang mailigtas ang anak na nalulunod sa ilog sa Brgy. Poblacion Sur, Salcedo, Ilocos Sur, kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Jona Alcantara Munar, 33, may-asawa, residente ng Brgy. Poblacion Norte ng naturang bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya na ang biktima kasama ang mga anak at pamangkin ay nagpunta sa ilog para maligo.
Habang naliligo ay napansin ni Munar na nawawala ang isa sa kanyang mga anak at nakita na ito ay nalulunod.
Agad sinagip ni Munar ang anak sa pagkakalunod, pero siya ang minalas na malunod.
Nang maiahon ang biktima mula sa ilog ng mga rumespondeng otoridad ay isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa naturang bayan, gayunman, ay idineklarang dead-on-arrival.