^

Probinsiya

P66 milyong puslit na mga gulay nasabat sa Subic

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
P66 milyong puslit na mga gulay nasabat sa Subic
Ang pagkakasabat sa naturang shipment ay base sa inisyung Pre-Lodgement Control Orders (PLCO) sa 9x40’ container shipment na naka-consign sa JKJ International Company at isa pang 13x40’ container shipment na naka-consign naman sa EMV Consumer Goods Trading­ matapos makatanggap si District Collector Maritess Martin ng impormasyon kaugnay sa kahina-hinalang shipment.
STAR/File

Subic Bay Freeport, Philippines — Nasabat ng Bureau of Customs – Port of Subic ang umano’y iligal na agri­cul­tural products na aabot sa P66 mil­yong halaga kamakalawa.

Ang pagkakasabat sa naturang shipment ay base sa inisyung Pre-Lodgement Control Orders (PLCO) sa 9x40’ container shipment na naka-consign sa JKJ International Company at isa pang 13x40’ container shipment na naka-consign naman sa EMV Consumer Goods Trading­ matapos makatanggap si District Collector Maritess Martin ng impormasyon kaugnay sa kahina-hinalang shipment.

Kasunod nito ay agad na inutos ni Martin sa kanilang Customs Intel­ligence and Investigation Service (CIIS) na magsagawa ng shipment profiling sa mga hinihinalang misdeclared at undeclared agricultural products.

Sa pamamagitan ng non-intrusive (X-Ray) at pagsasagawa ng physical examination ay kumpirmadong naglalaman ang nasabat na shipment ng iba’t ibang agricultural products katulad ng carrots, sweet oats, broccoli, mushroom, at onions.

Nakatakda namang isyuhan ngWarrants of Seizure and Detention ang nasabing shipment dahil sa pag­labag sa Department of Agriculture Department Circular No. 04 series of 2016 and Section 1113 (f) of the Republic Act No. 10863 also known as the Customs Modernization and Tariff Act.

BOC

GULAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with