^

Probinsiya

4 kilometro nilakad ng mga pulis 14-anyos natuklaw ng ahas, nasagip sa Ifugao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
4 kilometro nilakad ng mga pulis 14-anyos natuklaw ng ahas, nasagip sa Ifugao
Sa report na tinanggap ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa Cordillera Police, nakatanggap ng distress call ang Hungduan Municipal Police Station (MPS) sa Ifugao hinggil sa isang tinedyer na nangangailangan ng tulong matapos itong makagat ng ahas.
STAR/File

MANILA, Philippines — Matagumpay na nasagip ng mga elemento ng pulisya sa pamamagitan ng “ambulansya de paa” ang isang 14-anyos na binatilyo makaraang matuklaw ng ahas sa isang liblib na lugar sa lalawigan ng Ifugao kamakalawa.

 Sa report na tinanggap ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa Cordillera Police, nakatanggap ng distress call ang Hungduan Municipal Police Station (MPS) sa Ifugao hinggil sa isang tinedyer na nangangailangan ng tulong matapos itong makagat ng ahas.

 Ang biktima ay taga-Sitio Polod, Brgy. Bangbang, Hungduan na ang bahay ay mararating lamang sa pamamagitan ng paglalakad ng apat na kilometro sa kabundukan.

 Hindi nag-aksaya ang mga kagawad ng ­Hungduan Police na agad na tinungo ang kinalalagyan ng tahanan ng biktima upang madala sa pagamutan. Ang bahagi ng natuklaw ng ahas ay agad namang itinali upang hindi kumalat ang kamandag sa katawan ng binatilyo.

 Dahil sa malayong lakarin ay nagsilbing “ambulansya de paa” ang mga nagrespondeng pulis na inusong sa kumot na itinali sa kahoy ang biktima na kanilang dinala sa kapatagan at isinugod sa ospital para malapatan ng lunas.

“They successfully brought the snakebite victim to the Hungduan Municipal Hospital in Sitio Mabaka in Barangay Hapao for proper medical treatment,” ayon kay Eleazar.

 Agad pinapurihan ni Eleazar ang mga pulis na tumulong sa pagsagip sa buhay ng binatlyo.

 “Delikado ang sinapit ng binatilyo. Kung hindi naagapan ay baka ikinamatay pa nito ang pagkakakagat sa kanya ng ahas. Saludo tayo sa mga pulis na mabilis na umaksyon sa insidenteng ito,” ang sabi pa ng PNP chief.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with