Red tide alert nakataas sa 9 bayan sa Bataan
BALANGA CITY, Philippines — Nagpatupad kahapon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng “shellfish ban” matapos na muling magpositibo sa “red tide toxin” ang karagatang sakop ng 9 na bayan sa Bataan.
Ang mga apektado ng red tide ay sa karagatan ng mga bayan ng Hermosa, Orani, Samal, Abucay, Balanga City, Pilar, Orion, Limay at Mariveles.
Batay sa pinakahuling water sampling ng BFAR, muling nagpositibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) na mas kilala sa tawag na “Red Tide” at tinawag naman ng mga Bataeño na”Masamang Tubig”.
Dahil dito, muling ipinagbawal ng BFAR ang paghango, pagbebenta at pagkain ng shellfish gaya ng tahong, talaba, alimango, alimasag, sulib, biya, alamang at iba pang mga kahalintulad nito na nakukuha sa nasabing katubigan, dahil mapanganib ito sa kalusugan.
Paalala ng BFAR, ligtas naman kumain ng mga isdang huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta pakahugasan at lutuin itong mabuti.
- Latest