Delta variants sa Baguio City pumalo na sa 106

Bukod sa Delta variants, ayon sa PGC, ang Alpha variant cases sa Baguio City ay nasa 116 habang ang Beta variant ay nananatiling 52.
Philstar.com / John Unson

BAGUIO CITY, Philippines — Pumalo na sa 106 ang kaso ng COVID-19 Delta variants sa lungsod na ito matapos na maidagdag ang 30 pang kaso sa unang linggo ng Nobyembre, ayon sa pinakahuling biosurveillance report ng Philippine Genome Center (PGC).

Bukod sa Delta variants, ayon sa PGC, ang Alpha variant cases sa Baguio City ay nasa 116 habang ang Beta variant ay nananatiling 52.

Bunsod nito, ang bilang ng mga nabanggit na variants of concern (VOCs) sa lungsod ay nasa kabuuang 274 hanggang kahapon.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 variants ay tu­magal ng isa hanggang tatlong linggo kaya pinapayuhan nito ang mga kababayan na mas maging maingat at sumunod sa mga ipinatutupad na public health stan­dards at restrictions ng lokal na pamahalaan.

Base sa datos na ibinigay ng data analyst na si Jefferson Damoslog, nakapagtala ang contact tracing team ng kabuuang 8,570 patients na naiugnay sa VOC cases sa Baguio City.

Show comments