Curfew hours sa Olongapo City pinaikli

Armed with yantoks, members of the Southern Police District roam around Barangay Baclaran in Parañaque City on Monday night, March 15, 2021, to remind the public of the strict implementation of the unified curfew hours from 10 p.m. to 5 a.m. in an effort to curb the spread of COVID-19.
The STAR / Miguel de Guzman, file

OLONGAPO CITY, Philippines — Epektibo bukas ay paiikliin ng lokal na pamahalaan ang ipinatutupad na curfew hours sa lungsod dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng aktibong kaso ng COVID-19

Sa ipinalabas na ­executive order ni Mayor Lenj Paulino ibabalik sa alas-12:00 hatinggabi hanggang alas-4:00 ng umaga ang curfew hours mula sa dating oras na alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga.

Kasabay nang ipapatupad na panibagong curfew hours ay itinaas din sa 50% ang bawat venue capacity sa mga business establishments.

Muling nagpaalala si Paulino sa publiko na patuloy na sundin ang minimum health protocols para makaiwas sa hawaan ng COVID-19

Show comments