Curfew hours sa Olongapo City pinaikli
OLONGAPO CITY, Philippines — Epektibo bukas ay paiikliin ng lokal na pamahalaan ang ipinatutupad na curfew hours sa lungsod dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng aktibong kaso ng COVID-19
Sa ipinalabas na executive order ni Mayor Lenj Paulino ibabalik sa alas-12:00 hatinggabi hanggang alas-4:00 ng umaga ang curfew hours mula sa dating oras na alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga.
Kasabay nang ipapatupad na panibagong curfew hours ay itinaas din sa 50% ang bawat venue capacity sa mga business establishments.
Muling nagpaalala si Paulino sa publiko na patuloy na sundin ang minimum health protocols para makaiwas sa hawaan ng COVID-19
- Latest