MANILA, Philippines — Napatay ng tropa ng pamahalaan ang isa sa mga lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na kinilalang si George ‘Ka Oris’ Madlos sa naganap na engkwentro sa bulubunduking lugar sa Bukidnon.
Sa isang statement, sinabi ng 4th Infrantry Division ng Philippine Army na nangyari ang bakbakan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Dumalaguing, Impasugong, Bukidnon.
Nagtagal ng kalahating oras ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at nasa 30 rebelde.
Nang matapos ang bakbakan ay natagpuan ng mga sundalo ang patay na katawan ng dalawang inidbiduwal, na ang isa ay kinumpirmang si Madlos.
Narekober sa pinangyarihan ang M14 rifle, KG9 rifle, ammunition, iba pang war materials at iba’t ibang gamit.
Ayon sa militar, si Madlos ay isa sa most wanted New People’s Army commander sa bansa dahil sa kabi-kabilang kaso nito katulad ng pagnanakaw, double homicide, damage to properties, multiple murder at frustrated murder.
“Ka Oris’ reign of terror has finally ended. Unfortunately, the consequences of his atrocities led to a tragic ending,” pahayag naman ni Major General Romeo Brawner Jr., 4ID commander.
“Now, justice has been served for those innocent civilians and their communities he terrorized for several decades. His death could be the final blow for the eventual collapse of the Communist Terrorist Group here in our AOR,” dagdag pa niya.