TAWI TAWI, Philippines — Nahulihan ng mga otoridad ang isang itinuturing na big time drug suspects sa ikinasang anti-drug operation sa Pundohan Tapis, Barangay Sipangkot, Sitangkai, ng naturang probinsya.
Kinilala ang suspek na si Basir Daud, 49, na nahulihan ng aabot sa isang kilo ng cocaine at mayroong street value na P5.3 milyon.Maliban dito ay nakuhanan din siya ng M-16 Armalite rifle.
Bago pa rito ay tiniktikan na si Daud ng mga pulis dahil sa umano’y illegal drug trade activity sa lugar.