MANILA, Philippines — Pitong indibidwal na hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang naaresto ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Bataan.
Sinabi ng Orion police na nakuhanan ng shabu ang mga suspek na kinilalang sina Allan Leoveras, 44, isang security guard at live-in partner nito na si Annalyn Sabinorio, 37; Raymundo Malinao, 38; Armando Timblique, 25; Francisco Timblique, 33; Mary Ann Mahinay, 24 at Joey Gulia, 30.
Nakuha sa mga ito ang siyam na piraso ng small transparent heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at mga armas.
Nahaharap na ang pitong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act habang paglabag naman sa RA 10591 or the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang ihahain laban kay Leoveras.