Welder nahulog sa tulay, dedo

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang 25-anyos na welder matapos lumagapak sa mga bakal ng base ng tulay habang nagwewel­ding, kamakalawa ng hapon sa Sitio Alpayan Brgy. Daine 1, Indang, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Marjun Fabelani, tubong Catbalogan, Samar, at stay-in sa pinapasukang construction site ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, alas-3:55 ng hapon ay kasalukuyang nagwe­wel­ding ang biktima sa may gitna ng sementadong tulay kasama ang iba pang mga trabahador nang ito umano ay mawalan ng panimbang at naka­bitiw kaya bumulusok pababa at lumagapak sa mismong base na bakal ng tulay.

Napuruhan ang ulo nito, gayundin ang likod na nabali ang buto dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Show comments