Higit 16K residente ng Tayabas City, Quezon ‘fully vaccinated na’

MANILA, Philippines — Umabot na sa 16,237 ang mga residente sa lungsod na ito na nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19. Base sa datos mula sa City Health Office (CHO), binubuo ito ng mga residenteng kabilang sa iba’t ibang priority group ng pamahalaan tulad ng mga healthcare worker at kanilang pamilya o kasama sa bahay, Overseas Filipino Workers (OFW), persons with comorbidities, senior citizens, mga essential worker kabilang na ang mga freelancer at self-employed na residente, at mga kabilang sa general population.

Kasama rin sa tala maging ang mga naturukan­ ng single dose Covid-19 vaccine na gawa ng Johnson & Johnson. Samantala, mayroon pang 5,845 indibi­duwal ang naghihintay na lamang ng ikalawang dose ng bakuna kontra Covid-19 na inaasahang maipamamahagi sa mga susunod na araw.

Show comments