NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Kalaboso ang apat na notoryus na tulak matapos maaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis at nabawi ang P2.78 milyong pisong halaga ng shabu sa Naga City at sa bayan ng Camaligan ng lalawigang ito kamakalawa.
Unang natiklo ng mga operatiba ng Naga City Police Office. alas-2:50 ng madaling araw sa Greenfield St., Zone-5B, Brgy. Peñafrancia,Naga City ang mga suspek na sina Jonathan Almonte Pavi, 32-anyos, tricycle.driver, residente ng Sitio Capilihan, Brgy.Calauag at Herbert Esguera Endaya, 32 ng naturang lugar.
Nakuha kay Pavi at Endaya ang dalawang transparent ice plastic na may lamang 250 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyong piso.
Sunod namang naaresto ng mga kasapi ng Camarines Sur Police Provincial Office at Camaligan Municipal Police Station sa Brgy. San Roque, Camaligan ang mga suspek na sina Armando Buelta Del Rosario, 51; at Gil Flores San Buenaventura, 52, kapwa bodegero at residente ng naturang barangay.
Nakuha mula sa mga suspek ang ilang malalaking sachet ng shabu na tumitimbang ng 160-gramo at may street value na P1.08 milyong piso.