MANILA, Philippines — Tinatayang nasa mahigit P18.4 milyong halaga ng marijuana ang nasabat ng mga otoridad sa tatlong suspek sa Sitio Ampawilen, Poblacion, Sadanga, Mt. Province.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Jorge Tomaldong Eyawon, 34; Dario Di-wean Diway, 23; at Jake Caesar Bulosan Linchangan, 19, na kapwa residente ng Cudal, Tabuk City, Kalinga.
Narekober sa mga suspek ang 148 piraso ng pinatuyong dahon ng marijuana bricks, 6 piraso ng tubular na naglalaman ng marijuana na tumitimbang ng halos mahigit kumulang 154,000 gramo na nagkakahalaga ng P18,480,000.
Nakakulong na ang mga naarestong suspek sa Sadanga Police Station habang inihahanda ang kasong may kinalaman sa droga.— Doris Franche