Patay sa bagyong 'Maring' posibleng umakyat sa 11 — NDRRMC

Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Martes ng gabi, nasa 11 na ang binawian ng buhay dulot ng sama ng panahon. Gayunpaman, "for validation" para raw sa ngayon ang mga datos.
Released/La Union Police Provincial Office

MANILA, Philippines — Lalo pang dumami ang bilang ng mga iniwang patay ng nagdaang bagyong "Maring," na siyang nakalabas na sa Philippine area of responsibility.

Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Martes ng gabi, nasa 11 na ang binawian ng buhay dulot ng sama ng panahon. Gayunpaman, "for validation" para raw sa ngayon ang mga datos.

Narito ang bilang ng mga bineberipika pang casualties sa ngayon:

  • patay (11)
  • sugatan (3)
  • nawawala (7)

Bukod pa riyan, libu-libo na rin ang naapektuhan ng nasabing bagyo sa ngayon, na dahilan pa rin ng pagkakalagay ng ilang lugar sa Signal No. 2:

  • apektadong populasyon (19,147)
  • lumikas na nasa evacuation centers (3,221)
  • lumikas na wala sa evacuation centers (3,346)

Ilan sa mga sinasabing apektadong rehiyon ay ang Cagayan Valley, MIMAROPA, CARAGA at Cordillera Administrative Region.

Binaha rin ang nasa 45 lugar sa:

  • Ilocos Region
  • Cagayan Valley
  • Mimaropa
  • Western Visayas
  • CARAGA
  • CAR

Naitala rin ang nasa 14 insidente ng pagguho ng lupa, na sinasabing "rain-induced," o dulot ng matitinding pag-ulan.

Una nang sinabi ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan na gumugulong na ang rescue operations sa ilang probinsya sa Northern Luzon kaugnay ng mga pagbahang idinulot ni "Maring."

Madaling araw pa lang kanina nang sabihin ni Bise Presidente Leni Robredo na bumuo na sila ng mga team para tumulong sa pagbibigay ng relief assistance.

"We have formed two teams already to assist those needing help in Cagayan/Isabela and in Benguet/La Union," ayon kay Robredo, na kumakandidato ngayon sa pagkapangulo.

"Ready to deploy our teams already to provide relief assistance but we need help from those who have equipment for rescue ops."

— James Relativo

Show comments