2 Malaysian, 2 Pinoy nasagip ng Navy sa Tawi-Tawi

Kinilala ang mga nasagip na sina Hassan Bin Sayadi, 59; Majid Bin Ajahun, 46; Jerry Erni, 35, at Solar De Leon, na umano ay nakitang palutang lutang sa dagat ng halos 15 oras bago sila nasagip.
US Navy/File

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Navy ang matagumpay na pagsagip kamakalawa ng gabi sa dalawang Malaysian at 2 Pinoy matapos na lumubog ang kanilang speedboat sa Sibutu Passage, Tawi-Tawi Thursday noong nakaraang linggo.

Kinilala ang mga nasagip na sina  Hassan Bin Sayadi, 59; Majid Bin Ajahun, 46; Jerry Erni, 35, at Solar De Leon, na umano ay nakitang palutang lutang sa dagat ng halos 15 oras  bago sila nasagip.

Nagawa ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) sa pamamagitan ng Naval Task Force 61’s 3rd Boat Attack Division na mailigtas ang mga biktima na nagtamo ng minor injury at pagkauhaw.

Sa pahayag ng mga biktima sa Philippine Navy na mula sa   Sabah at dumaan sa  Bongao via Sibutu nang lumubog ang sinasakyan nilang speedboat.

Ayon kay Lt. Chester Ross Cabaltera, public information officer of the NFWM, na nakatanggap ng ulat ang  Littoral Monitoring Station (LMS) sa Bongao mula sa bulk carrier W-Raptor na nakitaan nila ang lubog na speedboat nang mapadaan sila roon.

Matapos na matanggap ang ulat ay mabilis na rumesponde ang Multi-Purpose Attack Craft MPAC BA488 at  BRP Juan Magluyan (PC392) sa lugar at nagsagawa ng rescue operation.

Show comments