389 katao na sangkot sa mga krimen, arestado
CAMP OLIVAS, Pampanga, Philippines — Umabot sa 389 katao na sangkot sa iba’t ibang uri ng krimen ang naaresto sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLO) sa Central Luzon nitong nakalipas na linggo ng Police Regional Office-3 (PRO3).
Ayon kay Brig. Gen. Valeriano De Leon, PRO3 director, sa nasabing bilang ang 121 doon ay may nakabinbing mga warrants of arrest sa iba’t ibang krimen at ang 33 sa naaresto ay pawang mga most wanted; 107 ay naaresto sa illegal drugs; 140 sa illegal gambling; 10 ay sa possession of loose firearms at 11 ay sa illegal logging.
Ilan sa mga nakumpiska ay 7 iba’t ibang uri ng baril; 56.94 gramo ng shabu na may street value na P387,006.40; 656 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng 78,720 at P35,019 cash bets.
- Latest