MAPANDAN, Pangasinan, Philippines — Malubhang nasugatan ang isang 28-anyos na binata matapos na siya ay tagain ng kanyang nakatatandang kapatid habang sila ay nag-iinuman, kamakalawa sa Barangay Torres ng bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mar Gauna habang ang suspek ay ang kuya nito na si Rizalito Gauna, 31, kapwa residente ng nasabing barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon ay kapwa lasing ang magkapatid nang magkaroon ng mainitang pagtatalo tungkol sa sticker house number na binigay ng kanilang barangay.
Nauwi sa suntukan ang pagtatalo ng magkapatid hanggang sa makakuha ng samurai ang suspek at tinaga ang kapatid.
Ang biktima ay dinala sa Mapandan Community Hospital upang magamot dahil sa tinamong taga sa ulo at mukha habang ang suspek ay inaresto at nakakulong na.