Maglola patay sa gumuhong bahay
ORION, Bataan, Philippines — Nasawi ang maglola habang dalawa ang malubhang nasugatan matapos gumuho ang ikalawang palapag ng isang kinukumpuning bahay kahapon sa Barangay Sabatan sa bayang ito.
Nakilala ang maglolang nasawi na sina Maria Theresa Fernandez, 61, may-ari ng bahay at apo nitong si Lhencesca Fernandez, 7-anyos matapos matabunan.
Nasugatan naman ang kaanak ni Maria Theresa na si Leonardo Fernandez at 6-anyos na helper na si Lito Bautista.
Sa imbestigasyon, bago naganap ang insidente, alas-3:00 ng hapon ay abala sa paggawa sa ikalawang palapag ng bahay sina Fernandez at Bautista, habang nasa ibaba ng bahay ang maglola, nang bigla na lamang gumalaw ang ginagawang flooring at bumagsak at nadaganan ang maglola.
Posibleng hindi umano kinaya ng ginamit na bakal ang bigat ng flooring na kanilang ginagawa dahilan para bumigay ito at tuluyang gumuho.
Inabot ng halos tatlong oras bago maiahon ng mga rescuers ang maglola.
- Latest