MANILA, Philippines — Arestado ang siyam katao matapos salakayin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-3) ang dalawang drug den sa Barangay Dau, Mabalacat City. Pampanga, kamakalawa.
Sa ulat mula sa tanggapan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Bryan Babang, kinilala ang mga suspek na sina Marivic Pineda, 52, sinasabing drug den maintainer; Mary Ann Barnachea, 30, Gean Cloid Villaroman, 21, Reymark Manzano, 28, Renato Marcelo, Katherine Surla, alias “Tirin” nasa drugwatchlist ng pulisya, 36, taga-Brgy. Manibaug Paralaya, Porac, Marlito Calaguas, 60, Ramontito Nicdao, 36, taga-Santa Ines, bayan ng Bacolor at Renel Buan, 33, habang nailigtas ang dalawang menor de edad at dinala sa tanggapan ng Local Social Welfare Development Office.
Nasamsam sa operasyon ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P170.000.00, assorted drug paraphernalia, at perang ginamit sa nasabing operasyon.
Isinailalaim na sa drug test ang mga naaresto at sasampahan ng kaso dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.