^

Probinsiya

3 tinamaan ng kidlat sa beach, patay

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon
3 tinamaan ng kidlat sa beach, patay
Sa ulat na nakara­ting kay Col. Romano Cardino, Zambales Police Provincial director, kinilala ang mga nasa­wing sina Jake Gene­ralo, 28; John Daryl Ge­neralo, 15; at Princess Generalo, 2, kapwa mga residente ng nasabing bayan.

PALAUIG, Zambales, Philippines — Tatlong katao ang naiulat na namatay kabilang ang isang 2-anyos na batang babae matapos tamaan sila ng kidlat habang nasa dalampasigan ng isang beach resort sa Barangay ­Locloc, ng nasabing lugar, ka­makalawa.

Sa ulat na nakara­ting kay Col. Romano Cardino, Zambales Police Provincial director, kinilala ang mga nasa­wing sina Jake Gene­ralo, 28; John Daryl Ge­neralo, 15; at Princess Generalo, 2, kapwa mga residente ng nasabing bayan.

Ayon kay Cardino, alas-4:30 ng hapon ay kasama ng mga biktima ang kanilang mga kaanak sa picnic at paliligo sa beach nang biglang umulan ng malakas at kasunod noon ay isang kidlat.

Nagtago ang mga biktima kasama ang mga kaanak sa ilalim ng pine tree nang aksidente silang tamaan ng kidlat.

Ang tatlo ay mabilis na dinala sa Provincial Hospital sa Iba, Zambales, subalit idineklarang dead-on-arrival.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with