2 drug pusher arestado sa P47.6 milyong shabu

Ang dalawang suspek matapos maaresto sa buy-bust kamakalawa ng gabi sa Daang Hari, Brgy. Molino 3, Bacoor City at nakumpiska sa kanila ang mahigit sa 7 kilo ng shabu na naka-repack sa Chinese tea bag na nagkakahalaga ng P47.6 milyon.
Cristina Timbang

BACOOR CITY, Cavite, Philippines — Dalawang drug pusher ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Daang Hari, Brgy. Molino 4 ng nasabing lungsod.

Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na sina Marato Pun­dag Gulam alias Habi at Esmael Edits Tanting, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Molino III, Bacoor City.

Sa ulat, alas-8:30 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation nang pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng PDEA,Cavite Provincial Office at Bacoor Police laban sa mga suspek.

Sa tapat ng Somo Market sa may Daang Hari naganap ang drug deal na kung saan ay hindi na nakapalag ang dalawang suspek at nakumpiska sa kanila ang mahigit 7 kilo ng shabu na nakalagay sa Chinese tea bag na aabot sa mahigit P47.6 milyon.

Show comments