^

Probinsiya

Pulis patay, kabaro sugatan sa drug shootout

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Pulis patay, kabaro sugatan sa drug shootout
Idineklarang dead-on-arrival sa Dasmariñas City Medical Center ang biktima na si Staff Sergeant Karl Marty Manzanilla, miyembro ng Cavite Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ma­tapos magtamo ng bala sa ulo at dibdib.
Graphic by Philstar.com/John Villamayor

DASMARIÑAS CITY, Cavite, Philippines — Isang pulis ang nasawi habang nasugatan ang kasama­ nito nang mauwi sa shootout ang drug buy-bust operation, kama­kalawa ng gab isa Brgy. Salawag ng lungsod na ito.

Idineklarang dead-on-arrival sa Dasmariñas City Medical Center ang biktima na si Staff Sergeant Karl Marty Manzanilla, miyembro ng Cavite Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ma­tapos magtamo ng bala sa ulo at dibdib.

Nasugatan naman si Patrolman Ariel Maribojo na dinala rin sa nasabing ospital matapos magtamo ng tama ng bala sa kamay.

Naaresto naman ang apat na drug suspects na sina Jesabel Cadag, alias Maylyn, Jemuel Pillar, John Marco at John Lloyd, kapwa may apel­yidong Pacia.

Batay sa ulat, alas-9:30 ng gabi nang isagawa ang buy-bust ope­ration sa kahabaan ng Snake road sa Barangay Salawag na kung saan ay target si Marlon Pacia.

Nanlaban ang suspek na si Marlon at pi­nagbabaril sina Manzanilla at Maribojo nang makatunog na pulis ang kanyang katransaksyon na nauwi sa shootout.

Pinaghahanap naman ang dalawang ka­sama ni Pacia na sina Jun-Jun Javier, alias Juge at Jo­marie Pacia na nagawang makatakas habang nagpapalitan ng putok.

Nabatid na ang mga suspek ay drug watchlist of the PDEU at Das­mariñas City police station. - Cristina Timbang

SHOOTOUT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with