250 workers sa Subic Freeport nabakunahan na
SUBIC BAY, Philippines — Nabakunahan na ang 250 manggagawa ng isang pribadong empleyado sa Subic Bay Freeport Zone kontra COVID-19 sa pagpapatuloy ng vaccination roll-out ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Maliban sa mga pribadong empleyado, ilan pang mga tauhan ng SBMA ang nabigyan din ng first dose.
Sinabi ni SBMA Chairman & Administrator Atty. Wilma Eisma, ang pagkakabakuna ng mga empleyado at manggagawa ay bahagi ng pinalakas na vaccination program ng kanilang ahensya kung saan ay may kakayahan ang SBMA na mag-imbak ng 40,000 doses sa kanilang storage facility.
Samantala, binuksan na rin bilang isa sa vaccination site ang activity center sa Ayala Harbor Point Mall sa SBFZ.
- Latest