Motor ­sumalpok sa ­concrete ­barrier: 1 todas, 1 sugatan

ATIMONA, ­Quezon , Philippines — Nabasag ang bungo at namatay habang isinusugod sa ospital ang isang mekaniko habang malubhang nasugatan ang kaibigan na nagmamaneho ng kanilang sinasakyang motorsiklo makaraang sumalpok sa concrete barrier sa Maharlika Highway na sakop ng Barangay Talaba sa bayang Ito, kamakalawa.

Batay sa ulat ni PMajor.Reden Romasanta, chief of police dito, kinilala ang nasawi na si Jupiter Amado, 28, may asawa.at residente ng Barangay Zone 2,habang gina­gamot sa Dona Martha Hospital dahil sa mga tinamong sugat sa iba’t ibang parte ng katawan si Russel Tierra, 29, may asawa ng Barangay Talaba.

Ayon sa imbestiga­syon, bandang alas 12:05 ng madaling araw ay ­minamaneho ni Tierra ang isang Baja motorcycle at nakaangkas ang biktima patungo sa Atimonan-Unisan road nang mawalan ng control sa manibela at dahil sa bills ng takbo ay bumangga sila sa concrete barrier.

Show comments