Tanod, 4 pa dinakma sa ‘drop ball’
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Limang katao kabilang ang isang barangay tanod ang dinakip ng mga awtoridad matapos maaktuhan na nagsusugal sa pamamagitan ng drop ball sa Purok 2, Barangay Baan, Aritao, dito sa lalawigan, kamakalawa.
Kinilala ni P/Col. Ranser Evasco ang mga nadakip na suspek na sina Jonathan Bautista, 38, isang Barangay Tanod at Ronaldo Danggol, kapwa residente ng Barangay Baan; Garry Sabino at Oliver Danghale, residente naman mula sa bayan ng Kayapa at Alexon Sanu-an, residente ng Bambang sa lalawigang ito.
Nakuha mula sa mga suspek ang 119 pulang baraha, 1 card holder, 4 na box na bagong mga baraha, 3 drop balls, 115 chips, 5 drop ball cards at bet money na P698.00.
Ang nadakip na mga suspek na nahaharap sa PD 1602 ay pansamantalang nasa pangangalaga ng Aritao PNP.
- Latest