Mag-asawang senior tiklo sa investment scam

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Sa kulungan­ ang bagsak ng mag-asawangg senior ci­ti­­­zen na sangkot sa “investment scam” ma­tapos madakma ng mga aw­toridad sa ikina­sang entrapment operation sa Barangay Annafunan­, bayan ng Echague, lalawigang ito, kama­kalawa.

Kinilala ng Echague Police ang nadakip na sina Ernesto Gumarang, 72, at misis na si Merlita, 60, nagpakila­lang mga super­visor ng Interim National People’s Initiative Council (INPIC) at kapwa residente ng Purok 7, Barangay Gayong, Cordon sa lalawigang ito.

Nadakip ang mag-asawa ng pinagsanib na puwersa ng Echa­gue Police at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nakabase sa lungsod na ito bilang tugon sa reklamo ng walong katao na nabiktima umano ng mag-asawa.

Napag-alaman na humihingi ang mga suspek ng membership fee sa mga complainant­ na nagkakahalaga sa P400.00 kasabay ng pangako na kikita ang kanilang pera ng P30,000-P1,000,000 na kanilang matatanggap sa Disyembre 2021.

Nakuha sa mga suspek ang gamit na mga cellphone, P3,500 cash, mga pirmadong certificates at blank certificates, 17 certi­ficate of entitlement, 12 filled up Interim Appointment Orders, 12 blank Interim Appointment Orders; 52 blank NPIC-NPICC third edi­tion forms para sa New Philippines; isang hand­bag, stamp pad, stapler at ballpen.

Nabigo rin na magpakita ng kahit anong dokumento ang mga suspek tulad ng Securities and Exchange Commission (SEC) para sa legalidad ng kanilang ope­rasyon o negosyo.

Show comments