TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Umaabot sa P2-bilyon ang halaga ng mga pananim na mais ang tuluyang napinsala dahil sa kakulangan ng ulan sa Cagayan Valley o Region-2, ayon sa Department of Agriculture (DA) kahapon.
Sinabi ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA-Region 2, ang mga magsasaka ng mais sa lalawigan ng Isabela at Cagayan ang labis na naapektuhan sa matinding pagkalugi dahil sa kawalan ng sapat na ulan nitong nakalipas na buwan.
Sinabi ni Edillo na aabot sa 45,000 ektaryang pananim ng mais ang naapektuhan ng tagtuyot kung saan 1,500 ektarya dito ang “totally damaged” habang 43,500 ektarya ang “partially damaged”.
Umabot din sa 33,439 ang bilang ng mga magsasaka na naapektuhan at nalugi sa nasabin.
Umaasa naman ang mga magsasaka ng mais na makakarekober ang karamihan sa kanilang mga pananim kung patuloy ang nararanasang malalakas na pag-ulan sa ngayon.
Sa pagsusuri ng DA, karamihan sa mga napinsala ay ang mga mais na nasa reproductive stage na unang itinanim ng mga magsasaka.