MANILA, Philippines — Umabot na sa 2,975 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Bataan matapos makapagtala ng 282 na panibagong kaso sa loob lamang ng isang araw.
Sa kasalukuyan, 16, 862 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19, 34 sa mga ito ay nagpositibo sa Delta variant. Habang animnapu naman ang mga gumaling.
Sa kabuuan, ang mga nakarekober na ay 13,295 habang umabot na sa 592 ang mga pumanaw kabilang ang isang 81-anyos na lalaki mula sa Dinalupihan.
Dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19, patuloy din ang paalala ni Bataan Governor Abet Garcia sa lahat na palaging maghugas ng kamay, magsuot ng face mask at face shield at mag-observe ng physical distancing na dalawang metro.