^

Probinsiya

282 katao tinamaan ng COVID-19 sa loob ng isang araw sa Bataan

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
282 katao tinamaan ng COVID-19 sa loob ng isang araw sa Bataan
Sa kasalukuyan, 16, 862 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19, 34 sa mga ito ay nagpositibo sa Delta va­riant. Habang animnapu naman ang mga gu­maling.
geralt via Pixabay

MANILA, Philippines — Umabot na sa 2,975 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Bataan matapos makapagtala ng 282 na panibagong kaso sa loob lamang ng isang araw.

Sa kasalukuyan, 16, 862 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19, 34 sa mga ito ay nagpositibo sa Delta va­riant. Habang animnapu  naman ang mga gu­maling.

Sa kabuuan, ang mga nakarekober na ay 13,295 habang umabot na sa 592 ang mga pu­manaw kabilang ang isang 81-anyos na lalaki mula sa Dinalupihan.

Dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19, patuloy din ang paalala ni Bataan Governor Abet Garcia sa lahat na palaging maghugas ng kamay, magsuot ng face mask at face shield at mag-observe ng physical distancing na dalawang metro.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with