^

Probinsiya

Cityhood ng Baliwag sa Bulacan tuloy na

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

BALIWAG, Bulacan, Philippines - Sigurado nang aarangkada ang cityhood ng Baliwag matapos magpahayag ng suporta si Bulacan 2nd District  Representative Gavini “Apol” Pancho sa pagpupulong na dinaluhan din ni Mayor Ferdie Estrella, at ilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kamakailan.

Dahil sa pagsang-ayon ng partido nina Estrella at Pancho, na­tuldukan na rin ang ispekulasyon patungkol sa posibleng paglalaban ng dalawa sa susunod na halalan.

Ayon kay Cong. Noel Villanueva ng Ikatlong Distrito ng Tarlac at Chairman ng House Committee on Local Government, ang komite na didinig sa kalunsuran, nakatakda ang makasaysayang pagdinig para sa cityhood ng Baliwag sa Agosto 25, 2021.

Ang pagkakasundo ng dalawang panig ay nagbibigay puwang upang amyendahan ang House Bill 7362 na may pamagat na “An act converting the municipality of Baliwag into a component city of the province of Bulacan to be known as Baliwag City, na naunang inihain nina Cong. Paolo Duterte at Cong. Eric Go Yap ng ACT CIS Partylist  noong Agosto ng nakaraang taon.

Samantala, malaki ang naging partisipasyon ng negosyanteng si Bong Pineda ng Pampanga, Bulacan, 3rd District Congw. Lorna Silverio at Cong. Villanueva para pagkaisahin ang damdamin ng dalawang opisyal na taga-Baliwag,  upang umusad na ang pagdinig at maipapasa ang batas para sa kalunsuran ng Baliwag.

Matatandaan na ang cityhood ng Baliwag ay isinulong ni Mayor Estrella matapos na makamit nito ang dalawa sa tatlong mahahalagang pamantayan, ang populasyon at kita.

ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with